STRAWBERRY PLAN


Pinasalubungan ng strawberries ang asawa kong si Jolly ng kanyang officemate na nagbakasyon sa Baguio.   Siguro mga 1 kilo ito at komo 2 lang naman kami sa bahay, hindi namin ito mauubos ng isang kainan lang.   Hindi naman pwede na i-stock ito ng matagal dahil madali itong mabulok dahil sa init ng panahon natin.   Kaya naman ginawa ko na lang itong isang dessert.

Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa espesyal na dessert na ito.   Panna cotta ba o strawberry jelly.   Bandang huli, naisip kong pangalanan na lang ito na Strawberry Plan. 

Para kasi siyang leche plan na strawberry.   Also, gumawa ako ng strawberry syrup na ginawa kong panglagay sa bottom ng hulmahan sa halip na caramel syrup.   At ayun nag-create na parang toppings ito kapag itinaob mo na sa isang lalagyan.

Try nyo din po.   Tamang-tama ngayong summer na mura pa ang mga strawberries.


STRAWBERRY PLAN

Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Strawberries
1 tetra brick All Purpose  Cream
1 small can Evaporated Milk
1 sachet Mr. Gulaman (red color)
Sugar to taste
For the Syrup:
2 cups Strawberry puree
2 cups Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Gumawa ng strawberry syrup.   Pagsamahin lamang ang strawberry puree at asukal hayaang kumulo hanggang sa medyo lumapot ito.
2.   Hanguin ito at ilagay sa mga hulmahan. Ilagay muna ito sa fridge para tumigas ng bahagya ang syrup.
3.  Alisin ang dahon o tangkay ng strawberries at hugasang mabuti.
4.   Ilagay ito sa blender kasama ang evaporated milk.   I-blender ito hanggang sa maging pino.
5.  Ilagay ang Mr. gulaman powder sa 2 cups na malamig na tubig hanggang sa matunaw.
6.   Ilagay sa kaserola ang strawberry puree at isalang sa apoy sa katamtamang init.   Huwag hayaang kumulo.
7.   Kung sa tingin nyo ay uminit na ang strawberry puree, ilagay na ang tinunaw na gulaman at halu-haluin.
8.   Timplahan na din ng asukal ayon sa tamis na inyong nais.
9.   Huling ilagay ang all purpose cream.  It's better kung tunaw na tunaw ito at hindi na-chilled bago ilagay.   Haluin mabuti.
10.   Isalin ito sa mga hulmahan at palamigin hanggang sa mabuo.

I-chill ito bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy