MELON PANDAN
Sa bahay lang ang aking mga anak most of the time ngayong bakasyon. Bukod sa panonood ng tv, pagkain ang madalas nilang pagka-abalahan. Kaya naman nag-doble talaga ang gastos namin sa pagkain ngayon. Okay lang naman. Sa init ng panahon ngayon, mas mainam pa na mag-stay na lang sa bahay.
Kaya naman doble effort di ako sa mga pagkaing aking niluluto para sa kanila. Ofcourse yung madadali lang lutuin para hindi parusa sa init ng kalan. Also, napapadalas din na gumawa ako ng dessert para sa kanila. At komo usong-uso ngayon ang pakwan at melon, naisipan kong gumawa nitong Melon Pandan. For sure magugustuhan ito ng inyong mga anak.
MELON PANDAN
Mga Sangkap:
1 pc. Melon (cut into bite size cubes)
2 sachet Mr. Gulaman (Green Pandan Flavor)
1 cup White Sugar
1 can Condensed Milk
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 cups na tubig. Haluing mabuti.
2. Isalang ito sa apoy hanggang sa kumulo. Patuloy na haluin para hindi mag-buobuo.
3. Ilagay ang asukal at patuly na haluin.
4. Isalin sa isang tray o square na hulmahan at palamigin.
5. Kung malamig na, hiwain ito ng pa-cubes na klasing laki ng hinwang melon.
6. Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang gulaman, melon at condensed milk.
7. Palamigin muna bago i-serve.
Enjoy!!!!
Comments