BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY


Paborito ng mga anak kong sina Jake at James yung Ultimate Burger Steak ng Jollibee.   Kaya naman naisipan kong gumawa din ng ganito sa bahay.   No.  Hindi ito ang recipe ng burger sa Jollibee.   Yung recipe ng burger ay nakuha ko lang din dito sa net.   Nagustuhan ko ang recipe na ito dahil masarap talaga at juicy na juicy pa.



BURGER STEAK with MUSHROOM GRAVY 

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Lean Beef
2 small size Fuji Apples (grated)
1 large White Onion (chopped)
1/2 cup flour
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
Salt and pepper to taste
1 head minced Garlic
For the Gravy:
1 small can Sliced Mushroom
2 tbsp. Flour
2 tbsp. Melted Butter
Salt and pepper to taste
Side Dish:
3 pcs. large Potato (cut into sticks)
Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa  isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap para sa burger.   Haluin na mabuti at hayaan muna ng ilang sandali.
2.   Mag-form ng parang bola at saka i-flat para makagawa ng burger patties.   Bahala na kayo kung gaano kalaki ang gusto ninyo.   But make sure na hindi ito masyadong makapal.
3.   Lutuin ito sa isang griller o sa isang non-stick na kawali hanggang maluto ang magkabilang side.
4.   For the gravy:   Sa isang sauce pan, ilagay ang butter
5.   Ilagay na agad ang harina at haluin mabuti.
6.   Isunod na din ang canned sliced mushroom.  Isama ang sabaw nito.  Patuloy na haluin.
7.   Timplahan ng asin at paminta.   Tikman at i-adjust ang lasa.
8.   I-prito ang patatas para makagawa ng french fries.

Ihain ang burger steak na may mushroom gravy sa ibabaw at ilagay naman sa side ang nilutong fries.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy