MELON and APPLE SALAD
Tuwing sasapit ang Bagong Taon, alam ko marami sa atin ang sumusunod sa kaugalian na maglagay ng ibat-ibang klaseng prutas sa ating hapag kainan. May nagsasabi na 12 klase, yung iba naman ay 13. Isa na kami sa mga gumagawa nito. Pero bihira siguro na nakukumpleto ko ang bilang ng klase ng prutas. May kamahalan kasi ito kapag ganitong panahon. I think for this year 9 na klase lang ang nabili ko.
Alam ko din na matapos ang bagong taon, marami ang nakabulukan ng mga prutas na ito. Hehehehe. Bakit naman hindi? Sa dami pa ng pagkain na ating inihanda, hindi natin alam kung alin ang unang kakainin natin.
Sayang naman di ba? Lalo't sa panahon ngayon, it's a NO NO ang mag-aksaya ng pagkain. Kaya nang makita ko itong mga prutas na nabili ko na nagkakroon na ng bakas ng pagkabulok, ginawa ko na agad itong fruit salad para hindi masayang. Tamang-tama naman at may natira pa akong all purpose cream at condensed milk sa fridge. Kaya eto, may Melon Apple Salad na ako.
MELON and APPLE SALAD
Mga Sangkap:
1 whole Melon (cut into cubes)
2 pcs. Green Apple (cut into cubes)
2 pcs. Red Apple (cut into cubes)
1 cup All Purpose Cream
1 cup Condensed Milk
Paraan ng paggawa:
1. Sa isang bowl, paghaluin lang ang lahat ng mga sangkap.
2. Ilagay muna sa fridge to chill bago ihain.
Enjoy!!!

Comments