ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE

Here's another dish na sa tingin ko ay pwede din natin i-consider sa nalalapit nating Noche Buena.   Ito ang sinasabing upgraded version nang pangkaraniwang lechon kawali na may Mang Tomas Sarsa ng Lechon.

Actually, experimental ang ginawa kong ito.   Nakita ko lang kasi itong mansanas na nabili ko at bakit kako hindi ko isahog din ito sa lechon sauce para maiba naman.   Ang nasa isip ko ay yung magkaroon ng fruity taste yung sauce.  At hindi nga ako nagkamali.   Masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang niluto kong ito.
Yun lang medyo mahaba din ang proseso ng pagluluto at preparasyon nito although madali lang din siya gawin.   Pero sulit na sulit naman kapag kinakain mo na. 



ROAST PORK with APPLE-LECHON SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 kilos Pork Belly (piliin yung manipis lang ang taba)
2 pcs. Laurel Leaves
3 tangkay Lemon Grass o Tanglad
1/2 tsp. Nutmeg
1 head Garlic
1 tbsp. Rock Salt
1 tsp. Whole Pepper Corn
For the Sauce:
1 medium size Apple (cut into small cubes)
2 cups Mang Tomas Lechon Sauce
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion (chopped)
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang pork belly sa kaserolang may tubig, asin, pamintang buo, tangkad, bawang at dahon ng laurel.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot.
2.   Hanguin at palamigin muna.
3.   Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa pinaka-mainit na settings hanggang sa pumula at mag-pop ang balat.
4.   Hanguin at palamigin muli.
5.   For the sauce:   Sa isang sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
6.   Ilagay na agad ang hiniwang mansanas.  Halu-haluin sandali.
7.   Ilagay na ang Mang Tomas Lechon sauce at timplahan pa ng kaunting tubig, asin at paminta.   Pwede ding lagyan ng kaunting asukal.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9.   Hiwain ang nilutong pork belly at ilagay sa ibabaw ang sauce na ginawa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Sir, Merry Christmas in advance po. Thanks for your recipes for noche buena. Wala po akong Christmas gift except mag-click every chance I get, hehehe....Mommy Marie
Unknown said…
Merry Christmas pareng Dennis!!! ita-try ko 'tong recipe mo sa new year. magtanong lang ako sa iyo, saan ba nakakabili ng peanut oil? wala kasi ko makita sa hypermart sa moa. sana matulungan mo ako. maraming salamat...
Dennis said…
Salamat Mommy Marie...Maligayang Pasko din sa iyo at sa buo mong pamilya. Ok na po sa akin yung click nyo...hehehehe. Napansin ko nga po na tumataas ang revenue ng blog kong ito dahil sa mga click nyo. Salamat po ulit.

Dennis
Dennis said…
Hi Ruel. Salamat din sa patuloy mong suporta sa food blog kong ito.

Peanut oil...I think meron sa SM supermarket. Matanong ko lang, saan mo gagamitin ang peanut oil? To be honest with you, hindi pa ako nakakagamit nyan.

Dennis
Unknown said…
Gamitin ko sana Dennis sa Fried Rice. May nakita kasi ako dito sa net na masarap ang peanut oil sa fried rice, ewan ko kung may katotohanan. Ano kaya ang lasa pag peanut oil ang gamit sa fried rice???
Dennis said…
I think peanut oil is better in deep frying. Kapag fried rice mas masarap ang sesame oil. Tried and tested ko na yan.
Unknown said…
Try ko Dennis sesame oil. Thank you...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy