BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE


May ilang burger recipes na din ako sa archive but I think itong version ko na ito ang the best.   Ewan ko.   Marahil ang nagpasarap pa dito ay yung fugi apple na inihalo ko dito na ilang araw na din na nasa fridge namin.   Hehehehe.

Nakuha ko lang din yung idea sa isa sa mga paborito kong food blog ang www.casaveneracion.com.  Actually sa blog na ito ako na-inspired kung bakit gumawa din ako ng sarili kong blog.   Kaya marami sa mga niluto ko dito sa archive ay nakopya ko din sa blog niya.   Thanks Ms. Connie.


BEEF and APPLE BURGER with MUSHROOM SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Beef
2 pcs. Medium size Fugi Apple (grated o hiwain ng maliliit)
1 large size White Onion (finely chopped)
1 head minced Garlic
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
4 tbsp. Soy Sauce
2 pcs. Fresh Eggs
1 cup Cornstarch or Flour
Salt and pepper to taste

For the Sauce:
1 big can Sliced Mushroom
2 tbsp. Butter
5 cloves minced Garlic
1 small Onion (finely chopped)
1 tbsp. Cornstarch
1 pc. Chicken Cubes
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap para sa burger.   Haluin mabuti.   Maaring mag-prito ng kaunti para malaman ang tama na ang timpla.
2.   Kung lulutuin na, mag-form ng parang bola sa nais na laki at saka i-press para makabuo ng burger patty.
3.   I-prito ng walang mantika sa isang non-stick na kawali hanggang maluto at mag-brown ang magkabilang side.
4.   For the sauce:  Igisa ang bawang at sibuyas sa butter hanggang sa mag-brown ang kulay ng bawang.
5.   Ilagay na agad ang sliced mushroom kasama na ang sabaw nito.   Hayaang kumulo
6.   Ilagay na din ang chicken cubes at timplahan ng asin at paminta.
7.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang beef burger na may mushroom sauce sa ibabaw.

Enjoy!!!




-->

Comments

J said…
Mukhang masarap nga ito kuya... sweet and savory!
Dennis said…
Tama ka J....yun nga ang lasa nitong burger na ito...sweet and savory....Salamat ulit ha

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy