CREAMY BEEF and POTATOES


Pangkaraniwang lutong bahay na ginagawa natin sa karne ng baka ay kung hindi nilaga ay caldereta.   Pwede din pa-slice natin ito ng manipis at i-bistek.   Medyo nakakasawa na din ang mga lutong ito.   Bakit hindi natin gawan ng ibang putahe?   Kagaya nitong recipe natin for today.   Creamy Beef and Potatoes.

Simple lang ang dish na ito.   Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay makakaya itong gawin.   Hindi lang simple ang paraan ng pagluluto maging ang mga sangkap nito.   At panigurado ko na magugustuhan ng pamilya nyo ang sarap ng beef dish na ito.   Subukan nyo po.


CREAMY BEEF and POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
2 pcs. large Potatoes (cut into cubes)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tbsp. Cornstarch
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1/2 cup Melted Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Sunod na ilagay ang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa ang karne.
3.   Lagyan ng tubig.   Dapat lubog ang karne.   Hayaang maluto hanggang lumambot na ang karne.  Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas.   Takpan muli at hayaang maluto ito.
5.   Ilagay na ang all purpose cream, tinunaw na cornstarch at maggie magic sarap.   Hinaan na ang apoy.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Pandong said…
Sir Dennis I already tried this one using baby potatoes, humirit si misis baka pwede ulitin, haha sira na naman daw diet nya.. :D
Dennis said…
Thanks again Pandong.....Mas lalong mai-inlove sa iyo niyan ang asawa mo...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy