AMPALAYA CON CARNE
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka sa bahay. Medyo may kamahalan kasi ang kilo nito at kung yung medyo mura naman ay may katagalan na lutuin. Pero espesyal para sa akin ang karneng baka. Bukod sa lutong caldereta, the best pa rin sa akin ang nilaga nito.
This time sinahugan ko naman ng gulay na ampalaya. Itong Ampalaya con Carne. First time ko lang magluto nito sa bahay. Sinusubukan ko kung kakainin ito ng aking mga anak. Pero ayun, ampalaya ang natira at ako na lang ang umubos nito. Hehehehe
AMPALAYA CON CARNE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced )
1 pc large size Ampalaya (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 tsp. Cornstarch
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Isunod na agad ang hiniwang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
3. Lagyan ng tubig at takpan hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay ang toyo at ang oyster sauce. Hayaan ng mga 5 minuto pa.
5. Ilagay na ang amplaya. Halu-haluin.
6. Huling ilagay ang brown sugar at ang cornstarch na tinunaw sa 1/2 cup na tubig. Halu-haluin
7. Tikman ang sauceat i-adjust ang lasa
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments