BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE
Espesyal para sa akin ang ulam na karneng baka. Natatandaan ko noong araw, bihira lang kaming mag-ulam nito ng aming pamilya komo nga may kamahalan ito. Araw ng Linggo kapag nag-uulam kami nito at pangkaraniwan nilaga ang ginagawang luto. Minsan naman ay bistek ang luto na paborito ko din naman.
Sa dish na ito pwedeng gumamit nung malambot na parte ng karne ng baka o kahit yung mas mura na parte. Yun lang kung yung mas mura na parte ang inyong gagamitin medyo may katagala ang pagluluto na gagawin. Pero okay din lang naman, masarap pa din ang kakalabasan. Sa version ko pong ito ay yung mumurahing parte ng laman ng baka ang aking ginamit. Try yo din po.
BEEF MUSHROOM & PECHAY in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
A Bunch of Native Pechay
1 can Sliced Button Mushroom
2 tbsp. Brown Sugar
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. Onion (chopped)
5 cloves Minced Garlic
1 tsp. Cornstarch
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2. Sunod na ilagay ang hiniwang karne ng baka at saka timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa ng ilang sandali.
3. Lagyan ng toyo at tubig saka takpan. Hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan pa.
4. Kung malambot na ang klarne ilagay na ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito.
5. Ilagay na din ang oyster sauce at brown sugar. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang pechay at ang tinunaw na cornstarch. Halu-haluin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments