BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE
Hindi kami madalas mag-ulam ng karneng baka. Bukod kasi sa may kamahalan ang presyo nito, hindi din ganun karami ang luto na alam kong gawin. Pangkaraniwan luto na nagagawa ko lang dito ay ang nilaga at ang bistek.
Minsan sa pamamalengke ko, may nakita akong magandang cut at klase ng karneng baka. Kaya naman kahit medyo may kamahalan ang kilo nito ay bumili na din ako. Naisip ko na lutuin ito with oyster sauce at lalagyan ng broccoli. Kaso, walang akong nabiling broccoli sa palengke. Ang ginawa ko na lang sayote ang aking inilagay at okay naman din ang kinalabasan. Halos pareho lang din ng beef broccoli na gustong lutuin.
BEEF CHAYOTE in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1 pc. large Chayote or Sayote (cut into sticks)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 gloves Minced Garlic
2 pcs. Large White Onion (cut into rings)
1 tsp. Sesame Oil
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang karne ng baka. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-brown ang bawat piraso ng karne sa mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, igisa ang sibuyas hanggang sa medyo maluto lang. Hanguin sa isang lalagyan.
4. Sunod na igisa ang luya at ang bawang.
5. Ibalik sa kawali ang na-brown na karne ng baka.
6. Lagyan ng toyo at mga 2 tasang tubig. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot an karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
7. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang chayote, oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin at hayaang maluto ang gulay.
8. Huling ilagay ang tinnaw na cornstarch para lumapot ang sauce at ang sesame oil.
9. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong sibuyas.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments