BEEF PARES
Minsan nayaya ako ng aking ka-opisina na kumain ng pares sa isang tindahan malapit dito sa aking pinapasukan. Hindi naman ito restauran kundi isang food stall o cart na patayo ka lang kakain. Infairness, masarap ang kanilang pares at malasa talaga. Huwag mo na lang hanapan ng maraming laman ng baka dahil mura lang naman ang bili ng isang order nito.
Dahil bitin nga sa laman ng baka ang pares na nakain ko, naisipan kong magluto nito sa bahay. Madali lang naman itong lutuin. Yun lang may katagalan ang pagpapalambot ng karne baka. Dapat kasi dito ay malambot na malambot talaga. Try nyo po...masarap talaga.
BEEF PARES
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
2 pcs. Star Anise
2 pcs. Dried Laurel leaves
1 tsp. Five Spice Powder
1/3 cup Soy Sauce
4 tbsp. Rice Wine vinegar
1/2 cup Brown Sugar
2 heads Minced Garlic
2 pcs. Onion (sliced)
2 thumb-sized Ginger (sliced)
1/2 cup Cornstarch
1 tsp. Freshly Ground Pepper
Salt to taste
Spring Onion
1/2 cup Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay na ang karne ng baka at hayaang ma-brown ng kaunti at saka lagyan ng tubig. Hayaang kumulo at alisin yung mga namuong dugo sa ibabaw ng sabaw.
3. Ilagay na ang sibuyas, asin, paminta, five spice powder, rice wine, star anise at dried laurel. Takpan muli at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
4. Kung malapit nang lumambot ang karne ay saka pa lang ilagay ang toyo at ang brown sugar.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang alat at tamis.
6. Huling ilagay an tinunaw na cornstarch para lumapot ang sabaw.
To serve, sa isang bowl maglagay ng kanin at lagyan sa ibabaw ng nais na dami ng laman ng niluto baka. Lagyan ng toasted garlic at hiniwang spring onions sa ibabaw. Ilagay sa side ang sabaw ng nilutong baka.
Ihain habang mainit pa ang sabaw.
Enjoy!!!!

Comments