CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES


Minsan lang kami mag-ulam ng karneng baka.   Bukod kasi sa may kamahalan ang per kilo nito, may katagalan din itong lutuin lalo na kung may katigasan ang karne.   Kung yun namang malambot na parte ang bibilhin, panigurado doble o triple pa ang presyo nito.   Isa pa, very limited lang din ang alam kong luto sa baka kaya pangkaraniwan nilaga, bistek o caldereta ang nagiging luto ko dito.

This time, isang espesyal na beef dish ang ibinibigay ko sa inyo na alam kong magugustuhan ng inyong pamilya.   Try nyo din po.



CREAMY BEEF, MUSHROOM and POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced)
1 can Button Mushroom (sliced)
2 pcs. Potatoes (cut into sticks)
1 tetra brick All Purpose Cream
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
3 tbsp. Butter
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Isunod na agad ang hiniwang karne ng baka at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3.   Lagyan ng tubig ...takpan at hayaang lumambot ang karne.    Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang sliced mushroom at patatas.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.
5.   Huling ilagay ang allpurpose cream at timplahan ng Maggie Magic Sarap.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
ano pong butter ang ginamit n'yo dito? napansin ko po kasi pag margarine, matapang ang lasa.
Dennis said…
Anchor ang ginamit ko dito. Any salted butter will do.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy