PORK & BEEF EMBOTIDO

Ang embotido ay ang counter part natin mga Filipino sa meatloaf ng ibang bansa.   Dito sa atin pangkaraniwang ginagawang embotido ay giniling na karne ng baboy at ini-steam ito.   Sa ibang lugar naman kagaya sa lugar ng aawa ko sa Batangas, piniprito nila ito na naka-balot sa dahon ng saging.

Nitong nakaraang mga araw naisip ko na magluto din nitong embotido pero gamit ng recipe na parang meatloaf.   At sa halip na i-steam niluto ko ito sa turbo broiler.

Hindi naging 100% succesful ang aking unang try.   Parang nakulangan sa itlog o binder.  O maaaring hindi ko masyadong nasiksik ang palaman nung niro-roll ko na.   But I think baka kulang nga sa itlog ito kaya nagka-ganun.   Pero wag ka, masarap pa rin ito.   Hindi lang pang-ulam kahit palaman pa sa tinapay.   Try nyo din po.


PORK & BEEF EMBOTIDO

Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Lean Pork
1/2 kilo Ground Lean Beef
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
6 pcs. Hotdog with cheese
1 pc. Carrot (cut into small cubes)
8 slices Loaf Bread (cut into small pieces)
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
1 cup All Purpose Flour
1 cup Banana Catsup
Salt and pepper  to taste
Margarine

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl, paghaluin ang lahat na mga sangkap maliban lang sa margarine at hotdog.   Hayaan ng mga 30 minuto.   Para matiyak kung tama na ang lasa, kumuha ng mga 1 kutsara at i-steam o i-prito at saka tikman.   I-adjust ayon sa inyong panlasa.
2.   Pahiran ng margarine ang aluminum foil at saka maglagay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap.
3.   Lagyan ng isang pirasong hotdog sa gitna ng palaman at saka i-roll.
4.  I-steam o lutuin ito sa oven hanggang sa maluto.   Mga 45 minuto.

Palamigin muna sandali bago hiwain.   Ihain na may kasamang catsup.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy