BEEF MORCON ESPESYAL

Ang Beef Morcon ang isang dish na masasabing kong espesyal talaga.   Sa amin kasi sa Bulacan, sa mga espesyal na okasyon lang ito inihahanda kagaya ng mga fiesta at kasalan.   Espesyal din kasi medyo may kamahalan ang karne ng baka at medyo may karamihan ang nga sangkap sa pagluluto nito.

Nitong nakaraang Chinese New Year ito ang dish na niluto ko para sa aming pananghalian.   3 days before pa lang ay minarinade ko na ang beef at sa gabi bago ang okasyon ay niluto ko na ito.   Nakakatuwa dahil sa first time na nagluto ako nito ay succesful naman ang kinalabasan.   Halos kapareho ito ng niluluto ng aking Inang Lina.   Yummy talaga.




BEEF MORCON ESPESYAL

Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced... pa-slice nyo na lang sa butcher sa palengke para buo pa rin ang laman)
1/2 cup Katas ng Calamansi
3/4 cup Soy Sauce
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Salt and pepper to taste
Para sa palaman:
Chorizo de Bilbao or any Spanish Sausages
Carrots
Red Bell Pepper
Cheese
Pickles
Pork Liver (grilled or boiled)
Hard boiled Eggs
Para sa sauce:
1 tetra pack Caldereta Sauce or Ordinary Tomato Sauce
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1/2 cup Melted Butter or margarine

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain sa dalawa ang laman ng baka.   Make sure na buo ang pagkaka-slice nito.
2.   I-marinade ito sa toyo, katas ng calamansi, worcestershire sauce, kaunting asin at paminta.   I-marinade ng overnight o higit pa.
3.   Para sa sa palaman, hiwain ang lahat ng sangkap ng pa-sticks.   Dapat magkakasinglaki.
4.   Ilatag ang minarinade na karne ng baka at ipalaman ang inihandang mga sangkap.
5.   I-roll ng mahigpit at talian ng pangurdon para hindi bumuka habang niluluto.
6.   Sa isang kaserola o kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
7.   Ilagay ang ni-roll na baka at ilagay na din ang tomato sauce at yung pinagbabaran ng baka.
8.   Lutuin ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ang karne.
9.   Palamigin muna ng bahagya bago i-slice.
10.   Ilagay sa isang bandehado at ibuhos sa side o ibabaw ang sauce na pinaglutuan.

Enjoy!!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy