BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Nagkaroon lang po ako ng problema wih Google at hanggang ngayon po ay ina-apela ko pa ang problemang nakikita nila sa aking blog.  Pero ganun pa man, narito ang isang beef dish na tiyak kong inyong magugustuhan.
 

BEEF and MUSHROOM in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Laman ng Baka (hiwain ng manipis)
1 can Sliced Mushroom
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali o kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwangkarne ng baka at timplaha ng asin at paminta.   Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
3.   Ilagay ang sabaw ng canned mushroom at ang toyo.   Takpan at hayaang maluto ang karne.   Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4.   Kung malambot na ang karne ilagay na ang oyster sauce, sliced mushroom at brown sugar.   Hayaang kumulo.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy