BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY
Ang weekend ay sinisikap kong espesyal para sa aking pamilya lalo na sa mga pagkaing kanilang kakainin. Siguro kayo ay ganun din. Yung iba siguro ay kumakain pa sa labas o sa mga paborito nyong restaurant. Ako mas gusto kong ipinagluluto sila. Hindi sa nagtitipid pero gusto ko lang ipadama sa kanila ang pagmamahal sa pamamagitan ng aking mga niluluto.
At ang dish na ito na handog ko sa inyo sa araw na ito ay isa sa mga sinasabi kong espesyal na dish para sa aking mga mahal. Bulalo Steak with Creamy Mushroom Gravy.
Mukhang kumplikado ang pangalan ng dish pero sa totoo lang ay napakadali lang nitong gawin. Kahit siguro baguhan pa lang sa pagluluto ay kayang-kaya itong gawin. Simple din lang kasi ang mga sangkap.
So para sa week end na ito, bakit di natin subukan na ihanda ito para sa mga mahal natin.
BULALO STEAK with CREAMY MUSHROOM GRAVY
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Shank
1 can Sliced Mushroom
1 tetra brick Alaska Crema
2 heads Minced Garlic
1 large Onion (quartered)
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Fresh Crack Black Pepper
1/2 cup Melted Butter
1 tbsp. Flour
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, palambutin ang beef shank sa tubig na may asin, paminta at sibuyas. Hayaang kumulo ito hanggang sa lumambot.
2. Sa isang sauce pan, i-prito ang bawang sa butter hanggang sa matusta ito o mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sunod na igisa ang sibuyas. Halu-haluin.
4. Ilagay na din ang sliced mushroom kasama ang sabaw nito.
5. Lagyan din ng mga 2 tasa ng sabaw na pinaglagaan ng baka. Hayaang kumulo.
6. Ilagay na ang Alaska Crema at ang tinunaw na harina. Patuloy na haluin.
7. Timplahan ng asin at paminta. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Ilagay sa isang plato ang 1 piraso ng nilutong beef shank at lagyan ng sauce sa ibabaw. Ibudbod din sa ibabaw ang tosated garlic na ginawa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Pwede din itong ihain na nakalagay sa sizzling plate. ty

Comments
Thanks for the visit :)
Dennis