BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE
Isa sa mga paboritong luto sa karne ng baka itong Beef with Brocolli. Kahit nga sa mga Chinese Restaurant na kinakainan namin, isa ito sa mga ino-order namin. Sa bahay nga basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito. But this time bukod sa brocolli hinaluan ko pa ito ng chicharo o peas. Mainam ito para extender at dagdag sustansya na din. And as expected nagustuhan naman ito ng aking asawa at mga anak. Yummy!!!!
BEEF BROCOLLI and CHICHARO in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Beef (thinly sliced)
300 grams Brocolli (cut into bite size pieces)
100 grams Chicharo
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (slcied)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2. Ilagay na agad ang karne ng baka at timplahan ng toyo, asin at paminta. Lagyan na din ng 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang oyster sauce at ang brown sugar.
4. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay na ang brocolli at chicharo. Takpan at huwag munag haluin. Hayaan lang ng mga 1 minuto saka haluin. Patayin na ang apoy para di ma-overcooked ang gulay.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments