CREAMY PORK and BEEF with CORN

May nabili akong 1 kilo ng beef brisket.   Balak ko sanang ilaga ito para naman kako may sabaw ang aming pang-ulam.   Umaga pa lang ay pinalambot ko na ang karne para kako sa pag-uwi ko sa gabi ay gugulayan ko na lang at titimplahan ng pampalasa.   Kaso nawala sa loob ko na bumili ng mga gulay na kailangan.   Buti na lang at may iba pang pang-ulam na nasa fridge kaya yun na lang ang aking ininit para pang-ulam ng mga bata.

Kinabukasan niluto ko na ang pinalambot kong karne ng baka at nilagyan ko na lang ng kung ano ang meron pa sa aming mga cabinet.   May nakita akong 1 can ng whole kernel corn at all purpose cream.   May butter at patatas pa sa fridge at ito na nga ang kinalabasan ng impromtu kong dish.   Nga pala, hinaluan ko din ito ng pork belly para pandagdag.   Para kasing alanganin ang dami nung beef nung nalaga na.   But anayway, may pork o wala masarap ang kinalabsan ng beef dish kong ito.   Try nyo din po.


CREAMY PORK and BEEF with CORN

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket (cut into cubes)
1/2 kilo Pork Belly (cut into cubes)
1 can Whole Kernel Corn
3 pcs. Potatoes (quartered)
1/2 cup Melted Butter
1 tetra brick All Purpose Cream
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (Sliced )
1 tsp. Cornstarch
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1.   Palambutin ang karne ng baka sa kaswerolang may tubig at kaunting asin.   Maaring isama na din dito ang pork belly pero ilagay lamang ito kapag malapit nang lumambot ang baka.
2.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3.   Sunod na ilagay ang pinalambot na karne ng baka at baboy.   Ilagay na din ang mga 2 tasang sabaw na pinaglagaan.   Hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
4.   Ilagay na ang patatas at canned corn kernel.   Huwag isama ang sabaw.   hayaang maluto ang patatas.
5.   Huling ilagay ang all purpose cream, maggie magic sarap at tinunaw na cornstarch.   halu-haluin.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy