KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN
Ito ang isa pa sa mga dish na inihanda ko par sa aking treat sa aking mga officemate. Kimchi Fried Rice.
Pangatlong version ko na ito ng Kichi Fried Rice. In this 3rd version, pork tenderloin naman ang sahog na aking inilagay. Mas mainam ito dahil malambot na ang karne at madaling maluto.
Pwedeng-pwede din pala itong ihanda sa ating Noche Buena. Masarap at kakaiba sa pangkaraniwang kinakain natin sa araw-araw. Tiyak kong magugustuhan ito ng mga kakain at nang ating pamilya.
KIMCHI FRIED RICE with PORK TENDERLOIN
Mga Sangkap:
6 cups Long Grain Rice (jasmine rice)
500 grams Pork Tenderloin (cut ito small pieces)
2 cups Kimchi (cut into small pieces)
1/2 cup Soy Sauce
1 head MInced Garlic
1 large Onion (chopped)
4 pcs. Fresh Eggs (beaten)
Spring Onions
2 pcs. Pork Cubes
Freshly Ground Black Pepper
Salt or Patis to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sesame Oil
Paraan ng pagluluto:
1. The night before lutuin ang fried rice, isaing na ang bigas at isama ang pork cubes. Palamigin bago ipasok sa fridge.
2. Himayin o durugin ang kanin na isinaing.
3. Sa isang medyo malaking non-stick na kawali i-prito muna ang binating itlog sa kaunting mantika.
4. Sa parehong kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
5. Ilagay na agad pork tenderloin at timplahan ng kaunting asin at paminta. Hayaang maluto ang karne.
6. Sunod na ilagay ang kimchi at toyo. Halu-haluin.
7. Ilagay na ang kanin at timplahan ng kaunting patis o asin at sesame oil. Haluing mabuti para ma-coat ng flavor ang lahat ng kanin.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang chopped na scrambled egg at chopped spring onions.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments