CREAMY MACAPUNO-LYCHEES
Ito ang nag-iisang dessert na ginawa ko nitong nakaraang Noche Buena ng aking pamilya sa San Jose Batangas. Macapuno Lychees.
Naisipan kong ito ang gawin dessert nang minsang may makasabay ako sa supermaket na bumibili nitong canned lychees. Tumama agad sa isip ko na ito ang gawin ngang dessert pero sa halip na fresh na buko ang ihalo, macapuno preserves ang aking inilagay. Yun kasing fresh na buco kapag inihalo mo sa salad madali din na mapanis. Sa dami ba naman ng mga pagkaing pagpipilian hindi malayong hindi ito mapansin.
Also, ang mainam sa macapuno preserves hindi mo na kailangan maglagay ng condensed milk at asukal para patamisin ang inyong dessert. Try nyo po ito...masarap talaga.
CREAMY MACAPUNO-LYCHEES
Mga Sangkap:
2 cans Lychees
2 sachet Mr. Gulaman (clear)
1 big jar Macapuno Preserves
2 tetra brick All Purpose Cream
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Tunawin ang Mr. gulaman powder sa 1 tasang maligamgam na tubig.
2. Sa isang kaserola magpakulo ng 8 tasang tubig
3. Kapag kumukulo na ilagay ang sabaw ng canned lychees at timplahan ng asukal ayon sa tamis na nais.
4. Ilagay ang tinunaw na mr. gulaman at halu-haluin.
5. Hanguin sa isang square na tray na may kapal na 1/2 inch. Palamigin
6. Kung nag-set na, hiwain ang gulaman ng pa-cubes at ilagay sa isang bowl.
7. Ihalo na din ang lychees at ang macapuno preserves.
8. Ilagay na din ang all purpose cream at haluinh mabuti.
9. Ilagay sa fridge at palamigin.
Ihain na medyo malamig but not frozen.
Enjoy!!!!
Comments