TURONG SAGING na may LANGKA
Siguro marami sa ating mga anak na nag-aaral ang nasa bakasyon na sa mga panahong ito. At syempre komo walang pasok at nasa bahay lang, parang miyat-miya ay gutom ang mga ito at naghahanap ng makaka-kain. Kaya ang ginawa ko nagluto ako nitong turong saging para sa kanilang meryenda. Para lalong sumarap nilagyan ko pa ito ng langka na uwi ng asawa kong si Jolly nung siya ay manggaling ng Tagaytay. Tamang-tama ito sa sabayan ng malamig na sagot gulaman. Winner talaga...hehehehe
TURONG SAGING na may LANGKA
Mga Sangkap:
Saging na Saba
Langka
Brown na Asukal
Pambalot ng Lumpia
Mantika
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang saging na saba ng pahaba.
2. Igulong ito sa brown na asukal at saka ibalot sa lumpia wrapper kasama ang ilang piraso ng langka. Make sure na maganda ang pagkabalot para hindi lumabas ang asukal at palaman.
3. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Hanguin sa isang lalagyan namay paper towel.
Ihain habang mainit-init pa.
Enjoy!!!

Comments