PEACHES and CREAM
Ito ang dessert na ginawa ko nitong nakaraang kaarawan ng bunso kong anak na si Anton. Peaches and Cream.
Actually, para siyang panna cotta dahil ginamitan ko ito ng ng gelatin. Tinawag ko na lang itong peaches and cream komo yun nga ang main ingredients ng dessert na ito. Wala ako sinunod na recipe, basta yung instict ko na lang ang aking sinunod.
Masarap ang dessert na ito. Hindi masyadong matamis at okay na okay sa mga katulad kong taga media. Me-diabetis. Hehehehehe
PEACHES and CREAM
Mga Sangkap:
1 Pack Graham Cracker (yung durog na)1 cup Melted Butter
1 big can Peaches (sliced)
1 tetra Brick All Purpose Cream
1 tetra Brick Full Cream Evaporated Milk
1 sachet White Mr. Gulaman
Sugar to taste
Paraan ng pagluluto::
1. Sa isang square dish paghaluin ang dinurog na graham crackers at melted butter. I-press ito sa bottom gamit ang tinidor. Ilagay muna sa freezer para mabuo.
2. Sa isang kaserola ilagay ang sabaw ng peaches, evaporated milk at asukal. Hayaang medyo kumulo.
3. Sunod na ilagay ang all purpose cream at ang gelatin powder na tinunaw sa 1 cup na maligamgam na tubig.
4. Halu-haluin hanggang sa medyo lumapot ang mga sangkap. Tikman na din at i-adjust ang tamis.
5. Ilagay ang kalhati ng cream at gelatin mix sa lalagyan na may graham cracker. Magtira ng para sa toppings.
6. Ilagay ang natitira pang nilutong mga sangkap at palamigin.
7. Kapag nag-set na ilagay naman sa ibabaw ang natira pang hiniwang peaches.
8. Ilagay muna sa fridge bago i-serve.
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!

Comments