MACANATAGEL SALAD


Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang ipapangalan sa dessert na ito.   Hindi ko naman matawag na buco pandan dahil wala naman itong buco at pandan.  Hehehehe  Ang sangkap lang naman nito ay minatamis na macapuno, nata de coco, gulaman at cream.

Nung una, gusto kong tawagin  itong Pransya Salad.   Ang kulay kasi nito ay ang kulay ng bandila ng France.   Red, Green at White.   Kaya lang lang, wala naman talagang kinalaman ang dessert na ito bukod sa kulay sa France kaya tinawag ko na lang itong Macanatagel Salad.    Hehehehe

Masarap po ito.   Try nyo din.   Tamang-tama sa mainit na panahon.


MACANATAGEL SALAD

Mga Sangkap:
1 big jar Sweet Macapuno
1 small jar Green Nata De Coco
1 sachet Red Mr. Gulaman
1 tetra brick Alaska Crema or all Purpose Cream
Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin muna ang gulaman.   Magpakulo ng 4 na tasang tubig at lagyan ng puting asukal sa nais na dami.
2.   Tunawin ang Mr. Gulaman Powder sa 1 tasang tubig.
3.   Kapag kumulo na ang tubig at asukal, ilagay na ang tinunaw na gulaman powder.   Hayaang kumulo ng mg 2 minuto.
4.   Isalin sa isang square na hulmahan at palamigin.
5.   Hiwain nang pa-cube sa nais na laki.
6.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang red gulaman, sweet macapuno, green nata de coco at all purpose cream.   No need to put sugar kasi matamis na yung nata de coco at macapuno.
7.   I-chill muna sa fridge bago ihain.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy