BLUEBERRY PANNA COTTA

Nitong nakaraang pasko, nakatanggap ako mula sa aking ka-trabahong si Angelo ng panna cotta powder na may kasama pang blueberry syrup bilang pamasko.  Nitong nakaraang araw sinubukan kong lutuin ito base na din sa instructions na ibinigay sa akin ni Angelo.   Nilagyan ko din ng additional toppings para mas lalo pa itong sumarap.

Masarap at puring-puri talag ito ng aking asawa at mga anak.   Nag-re-request nga sila na gumawa ulit ako nito.  Kaso, hindi ko alam kung may instant panna cotta powder din dito sa Pilipinas.   Yung bigay kasi ni Angelo ay galing pa ng Italy.   Pero ita-try ko pa din ito from scratch talaga.  Abangan nyo kung ano ang nangyari.   Hehehehe


BLUEBERRY PANNA COTTA

Mga Sangkap:
1 sachet Panna Cotta Powder
1 tetra brick All Purpose Cream
1 big can Evaporated Milk
1/2 cup White Sugar
Choco Mucho or Kit-kat for toppings

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang sauce pan paghaluin ang panna cotta powder, all purpose cream, evaporated milk at white sugar.   Haluing mabuti.
2.   Isalang sa katamtamang lakas ng apoy at patuloy na haluin hanggang sa malapit nang kumulo ang liquid.
3.   Isalin sa mga llanera o maliliit na baso at palamigin hanggang sa mag-set.
4.   Ilagay sa ibabaw ang blueberry syrup at at dinurog na choco mucho or kitkat bar.
5.   Palamigin bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy