PASTILLAS DE LECHE with DAYAP
Laging naghahanap ng dessert ang aking mga anak pagkatapos nila kumain kaya naisipan kong gumawa nitong pastillas de leche na matagal ko na ding binalak na gawin. Salamat na lang at pinauwian ako ng aking Tita Melda ng bunga ng dayap na tamang-tama kako para dito sa pastillas.
Okay din ito sa nag-iisip ng raket para sa kapaskuhan. Pwede itong ipang-regalo sa ating mga kaibigan. Bukod sa mura lang ang magagastos ay masarap pa talaga. Yun lang siguro kailangang medyo maganda ang ating pagkakabalot sa pastillas. Hehehehe. Itong kasing unang try ko ay hindi ganun kaganda ang balot...hehehehe. Pero wag ka, winner naman sa lasa at sapar. hehehe.
PASTILLAS DE LECHE with DAYAP
Mga Sangkap:
3 cups Powdered Milk (I used Alaska)
Alaska Condensed Milk
1 pc. Lime fruit or Dayap
White Sugar
Paraan ng pag-gawa:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang powdered milk, condensed milk at ginadgad na balat ng dayap o lime zest. Unti-unti lang ilagay ang condensed milk habang hinahalo hanggang sa makuha lang ang tamang texture ng pastillas.
2. Kumuha ng nais na dami ng pinaghalong sangkap at i-hugis na bahaba.
3. Igulong sa white sugar at saka ilagay muna sa isang lalagyan
4. Balutin sa puting papel na may papel de hapon at saka ilagay muna sa fridge para medyo tumigas ng kaunti.
Ihain na medyo malamig.
Enjoy!!!!

Comments