MACAPUNO PANDAN with KAONG
Nitong nakaraang Linggo naisipan kong gumawa ng dessert o panghimagas. Tamang-tama dahil may isang garapon ng pure minatamis na macapuno sa aming cabinet na nabili ng aking asawang si Jolly.
Unang kita ko pa lang sa macapuno na ito, ito na agad macapuno pandan ang aking naisip na gawin. At para madagdagan pa ang sarap at texture sa bibig, sinamahan ko pa ito ng mintamis na kaong. Yung nasa bote na nabibili lang sa supermarket ang ginamit ko.
Also, ang ginamit ko palang gulaman dito ay yung bagong produkto ng Mr. Gulaman. Yung may kasama nang pandan essence. Okay ito dahil malalasahan mo talaga yung lasa ng pandan leaves.
Dalawang version ang ginawa ko sa dessert na ito. Ito nga yung una at abangan nyo pa yung isa. Masarap po ito as compare sa paborito na nating Buco Pandan. Try nyo din po.
MACAPUNO PANDAN with KAONG
Mga Sangkap:
4 cups Ready to eat Pure Macapuno
2 sachet Mr. Gulaman (Green with pandan essence)
250 grams White Sugar
1 small jar Sweet Kaong
1 tetra brick All Purpose Cream
Paraan ng paghahanda:
1. Tunawin ang Mr. Gulaman powder sa 6 na tasang tubig.
2. Isalang ito sa apoy at hayaang kumulo. Kapag kumulo na ilagay na ang white sugar at pandan essence.
3. Isalin sa isang tray o square na hulmahan at palamigin.
4. Kapag lumamig na at na-set ang gulaman, hiwain ito ng pa-cubes sa nais na laki.
5. Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang gulaman, minatamis na macapuno, kaong kasama ang syrup nito, at all purpose cream. Haluing mabuti.
6. Palamigin muna bago i-serve.
Enjoy!!!!!

Comments