CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE

Yes!   My two favorite dishes in one.   Actually, parang dalawang dish talaga ito, magkahiwalay niluto pero pinagsama nung kakainin na.   Ang masarap kasi dito, iba yung naging texture ng karne komo pa-crispy pata nga ang luto.   Yung kare-kare sauce naman para maging rich pa rin ang flavor, yung sabaw na pinaglagaan ng pata ang aking ginamit.   Kaya naman sauce pa lang ng kare-kare na ito ay pang-ulam na din.

At syempre hindi dapat mawala ang bagoong alamang.  Kung hindi masarap ang bagoong na kasama nito ay parang nababawasan ang sarap ang kabuuan ng dish.   It's better na yung trusted na bagoong in a bottle na lang ang gamitin nyo na available sa mga supermarket.


CRISPY PATA with KARE-KARE SAUCE

Mga Sangkap:
1 whole Pata ng Baboy (sliced)
2 pcs. Dahon ng Laurel
2 pcs. Red Onions (quartered)
Sa and pepper to taste
For the Kare-kare Sauce:
1 sachet Mama Sita's Kare-kare Mix
Talong
Sitaw
Pechay Tagalog
Puso ng Saging
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
2 pcs. Cooking Oil


Paraan ng pagluluto:
1.   Ilagay ang pata ng baboy sa isang heavy bottom na kaserola na may tubig.   Ilagay din ang sibuyas, dahon ng laurel at timplahan ng asin at paminta.  
2.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne.
3.   I-drain ang bawat piraso ng pata at palamigin.   Itabi ang sabaw ng pinaglagaan.
4.   Maaaring i-prito ng lubog sa mantika ang pata o kaya naman ay lutuin sa oven o turbo broiler hanggang sa maging crispy ito.
5.   For the kare-kare sauce:   Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
6.   Maglagay ng 3 tasang sabaw ng pinaglagaan ng pata.   Hayaang kumulo.
7.   Ilagay na ang sitaw at puso ng saging.
8.   After lang ng ilang minuto ay ang talong naman ang ilagay kasama na din ang kare-kare mix.   Halu-haluin.
9.   Huling ilagay ang pechay tagalog.
10.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang niluto kare-kare sauce na mag gulay at ilagay sa tabi ang crispy pata.   Huwag kalimutan ang bagoong alamang on the side.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy