CHICKEN ADOBO with CHEESE

Nagsabi sa akin ang pangalawa kong anak na si James na kailangan daw niyang magdala ng pagkaing Pilipino sa school bilang pagdiriwang ng Buwan ng wika.  At ito ngang Chicken Adobo na ito ang aking niluto.

Kapag pagkaing Pilipino, dalawang pagkain lang ang naiisip ko na masasabi nating pinoy na pinoy talaga.   Ito ay ang adobo at sinigang.   Di ba nga hanggang ngayon ay pinagdidibatehan pa kung alin nga sa dalawang ito ang maituturing na pambansang ulam ng Pilipinas.   Kahit ako hindi ko mapili kung alin talaga.   Pareho kasi na versatile ang dalawang ulam na ito at kahit saang lugar sa Pilipinas ay may sarilijg bersyon ng dalawang ulam na ito.

But this time nilagyan ko ng twist ang chicken adobo ko na ito.   Komo mga kabataan ang kakain, naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng grated cheese ang ibabaw para mas lalong maging katakam-takam.   Adobo with cheese?   Why not?   parehong masarap kay mas lalong sasarap talaga.   Di ba?   Hehehehe.


CHICKEN ADOBO with CHEESE

Mga Sangkap:
1 whole Chicken: (cut into serving pieces)
1 cup Soy Sauce
3/4 cup Cane Vinegar
2 heads Minced Garlic
3 pcs. White Onion (cut into rings)
1/2 cup Oyster Sauce
2 cups Grated Cheese
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
3 tbsp. Cooking Oil
3 pcs. Dried laurel leaves

1 tbsp. Brown Sugar
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola, igisa ang onion rings hanggang sa medyo maluto.   Hanguin sa isang lalagyan.
2.   Sunod na i-prito naman ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sunod na ilagay ang manok at saka timplahan ng suka, toyo, paminta at ilagay na din ang dahon ng laurel.   Takpan at hayaang maluto.
4.   Sunod na ilagay ang oyster sauce at brown sugar.   Halu-haluin at hayaan medyo kumonte ang sabaw o sauce.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


ps.

Pasensya na po kung medyo matagal akong nawala at hindi nakakapag-post.  Medyo busy lang po sa aking trabaho.   Salamat po sa pang-unawa

Dennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy