CLASSIC CRISPY PATA


Isa pa sa mga paborto nating pagkain itong Crispy Pata.   Sa mga espesyal na okasyon kagaya ng Pasko, Bagong Taon, birthday at iba pa.   Kahit nga simpleng salo-salo ay bumibida din talaga ang putaheng ito.

Hindi ko matandaan kung kailan ako huling nagluto ng classic crispy pata.   Mula nung matutunan kong lutuin ito gamit ang turbo broiler, hindi na ako bumalik sa classic na paraan ng pagluluto nito.   Medyo delikado din kasi lalo na yung pumuputok-putok ito habang pini-prito.

At eto na nga, nagkapagluto ako nitong classic na crispy pata nitong nakaraang araw.   Basta na lang kasi tumigil at nasira ang aming turbo broiler.  Buti na lang at napalambot ko na ang pata at napalamig kaya ipinirot ko na lang ito kagaya ng nakaugalian natin.



Masarap.   Iba talaga yung lutong ng classic na crispy pata.   Nanunuot ang linamnam.   Hehehehe



CLASSIC CRISPY PATA

 Mga Sangkap:
 1 pc. Pata ng Baboy
 Asin
 Pamintang Buo
 2 pcs. Dahon ng Laurel
 2 pcs. ginayat na Sibuyas
 1 head Bawang
 Mantika.

 Paraan ng pagluluto:
 1.   Pakuluan ang pata sa isang kaserola na may tubig, asin, paminta, dahon ng laurel, bawang at sibuyas.   Pakuluan ito hanggang sa lumambot.
 2.   Palamigin at saka tusk-tusukin ng tinidor ang balat at paligid ng pata ng baboy.   Mas marami mas mainam.
 3.  Ilagay ito sa freezer ng overnight.
 4.   I-prito ito ng lubog sa mantika straigh from the freezer.    Sa pamamagitan nito hindi masyadong magpupuputok ang ang pagpi-prito.
 5.   I-prito ito hanggang sa mag-brown at mag-pop ang balat.
 6.   Palamigin muna ng bahagya bago ihain.
 
Ihain na may kasamang sawsawang suka na may toyo at kalamansi or Mang Tomas Sarsa ng Lechon.


Enjoy!!!!











Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy