CHICKEN ADOBO RICE
Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang pag-aaksaya sa pagkain ay isang malaking NO. Kaya naman hanggat maisasalba ang mga tira-tirang pagkain ay ginagawa ko para hindi ito masayang. At para maging katakam-takam pa rin ang mga recycled na pagkain, pwede natin itong lagyan ng mga palabok pa o kaya naman ay lagyan pa ng twist para di mag-mukhang recycled.
Kagaya nitong dish natin for today. Saturday maraming natirang kanin at chicken adobo sa bahay. Hindi kasi dun kumain ang dalawa kong anak dahil may nilakad sa kani-kanilang school. Good pa para sa isang kain ang natirang kanin at ulam kaya naisipan kong ire-cycle nga ito para mapakinabangan pa.
At ito nga ang aking ginawa. Niluto ko siyang parang paella. Kung baga, halo-halo na ang lahat ng sangkap at nilagyan ko pa ng toasted garlic, spring onions at itlog na maalat. Wow! Ang sarap ng kinalabasan. Winner talaga sa aking mga anak.
CHICKEN ADOBO RICE
Mga Sangkap:
Leftover Chicken Adobo
Leftover Rice
1 head Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
4 pcs. Itlog na maalat
Spring Onion
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang bawang sa mantika hanggang mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na igisa ang sibuyas. Halu-haluin.
3. Ilagay na ang leftover na chicken adobo kasama ang sauce nito.
4. Ilagay na din ang dinurog na tirang kanin at timplahan ng kaunting asin at paminta. Haluing mabuti.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang itlog na pula, spring onion at toasted garlic bits.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments