PANCIT MALABON ala DENNIS

Siguro maitatanong ninyo, ano ba ang pagkakaiba ng Pancit Malabon sa Pancit Palabok at Pancit Luglog.   Halo pareho lang naman kasi ang mga ito.   Ang pagkakaiba lang ang ang mga sahog na inilalalagay at ang noodles na ginagamit.

Sa Pancit Malabon, komo malapit ito sa dagat at sagana sa mga lamang dagat, marami sa mga toppings o sahog na ginagamit dito ay mga seafoods kagaya ng hipon at pusit.   Pero kagaya nga ng nasabi ko halos pareho lang ito ng palabok at luglog.   For me, pare-pareho silang masasarap.   Hehehehe.



PANCIT MALABON ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Thick Noodles (Pang-palabok)
500 grams Pork Liempo
300 grams large size Shrimp (alisin ang ulo)
 300 grams Squid or Pusit (alisin yung tinta at i-cut into rings)
1 pc. large Tinapang Bangus  (himayin ang laman)
Chicharong Baboy (durugin)
Pechay Baguio (hiwain sa nais na laki)
Kinchay (chopped)
2 heads Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
Patis to taste
Achuete Seeds
4 pcs. Shrimp cubes
3 tbsp. Cooking Oil
10 pcs. Loaf Bread  (hiwain ng maliliit at ibabad sa tubig)
10  Hard-boiled Eggs (sliced)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   A day bago lutuin, ibabad na ang noodles sa tubig. 
2.   Kinabukasan, magpakulo ng tubig sa isang kaserola at saya ilaga ito hanggang sa maluto.   I-drain. 
3.   Ilaga na din ang pork liempo sa tubig na may asin hanggang sa lumambot.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
4.   I-blender ang ulo ng hipon hanggang sa maging pino na ito.
5.   Sa isang kawa o malaking kawali, i-prito ang bawang hanggang sa matusta o mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
6.   I-prito na din ang katawan ng hipon hanggang sa maluto o maging pula na ang balat nito.  hanguin sa isang lalagyan at palamigin.   Tanggalan ng balat at hiwain sa gitna.
7.   I-stir fry din ang pusit kasama ang pechay baguio.  Timplahan ng kaunting asin at paminta.   Hanguin sa isang lalagyan.
8.   Dagdagan ang mantika at i-prito ang hinimay na tinapa hanggang sa maging crispy.
9.   Lagyan pa ng kaunting mantika at igisa ang sibuyas.
10.   Sunod na ilagay ang hiniwa na nilagang liempo.
11.   Lagyan ng tinunaw na achuete para magka-kulay.
12.   Ilagay na din ang shrimp cubes, binabad na sa tubig na loaf bread at ang na-blender na ulo ng hipon. 
13.  Timplahan ng patis at paminta ayon sa inyong panlasa.
14.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
15.   Patayin ang kalan at ilagay na ang nilutong thick noodles.  Haluin mabuti.
16.   Hanguin sa isang bilao o square dish.
17.   Isa- isa ilagay ang mga toppings ayon sa pagkakasunod-sunod:    Pechay Paguio at pusit, dinurog na chicharon, tostadong bawang, toasted na tinapa, hiniwang nilagang itlog, hiniwang hipon at kinchay.

Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.

Enjoy!!!!

Comments

J Lopez said…
Hi Dennis

I love your blog. May I request your e-mail address?

I have a question about Pancit Luglug.

Thank you.

Joseph Lopez
e-mail: telljosephlopez@gmail.com
Dennis said…
Hi Joseph.... please check your inbox....may email ako sa iyo.

DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy