BANGUS SISIG


Isa sa mga paboritong ulam namin sa bahay itong Sisig.   Kagaya ng Adobo, marami ding version itong sikat na sikat na sisig ng Pampanga.   May mga dagdag din na sangkap at maging ang paraan ng pagluluto ay nagiiba-iba.

This time, sa halip na baboy ay bangus naman ang akijg ginawang sisig.   May sinunod akong recipe sa net at ito na nga ang kinalabasan.

Masarap.   Hindi ko akalain na masarap din pala na sisig ang bangus.   Try nyo din po.




BANGUS SISIG

Mga Sangkap:
2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus
2 cup Dinurog na Chicharon
8 pcs. Siling Pang-sigang (sliced)
1 cup Mayonaise
1 tbsp. Garlic Powder
1/2 cup Melted Butter
2 tbsp. Vinegar
2 tbsp. Soy Sauce
3 pcs. White Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Cooking Oil for frying
Calamansi

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta.   Hayaan ng mga 1 oras.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang maluto.  Tiyakin na tustado ang likod o balat na bahagi ng bangus.
3.   Palamigin at himayin ang laman mula sa balat.   Panatiliing buo ang balat, ulo at buntot ng bangus.
4.   Sa isang non-stick na kawali, igisa ang sibuyas sa butter.
5.   Sunod na ilagay ang hinimay na bangus.   Halu-haluin.
6.   Sunod na ilagay ang suka, toyo at garlic powder.   Huwag haluin at hayaan lang ng 30 sigundo.
7.   Ilagay na ang siling pang-sigang, mayonaise at dinurog na chicharon.   Halu-haluin.
8.   Hanguin at ilagay sa balat ng bangus.
9.   Lagyan ng hiniwang calamansi sa side.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy