KARE-KARENG MANOK

Nitong huling pag-a-outing namin sa Pangasinan, bumili ang aking asawang si Jolly ng bagoong alamang bilang pasalubong at para pang-gamit na din sa bahay.   Masarap talaga ang bagoong sa kanila kaya naisipan kong magluto ng kare-kare na tamang-tamang  katerno ng bagoong.

But this time manok ang laman na aking ginamit.   Medyo may kamahalan kasi ang baka at hindi naman mahilig ang aking mga anak sa lamang loob ng baka o baboy.   Also, instant kare-kare mix lang ang ginamit ko pero dinagdagan ko pa ng peanut butter for extra creaminess.   At viola!  isa na namang masarap na ulam ang aming pinagsaluhan.


KARE-KARENG MANOK

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 sachet Kare-kare Mix
2 tbsp. Peanut Butter
Pechay
Talong
Sitaw
Puso ng saging
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na karerola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang hiniwang manok at timplahan ng asin at paminta.    Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang kare-kare mix.   Halu-haluin at hayaan ng 5 minuto.
4.  Sunod na ilagay ang sitaw at puso ng saging.   Takpan muli at hayaang maluto ang gulay.
5.   After lang ng ilang minuto ay ilagay na ang talong at ang peanut butter.  Takpan muli.
6.   Huling ilagay ang pechay.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa kasama ng bagoong alamang.

Enjoy!!!!


Comments

Anonymous said…
ano pong brand ng kare-kare mix ang ginamit ninyo?
Dennis said…
Mama Sitas ang madalas kong gamitin. But for this recipe Del Monte ginamit ko.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy