CHICKEN CALDERETA using UFC Caldereta Mix

Classic favorite nating mg Pilipino itong caldereta.   Dati, sa mga handaan lang natin ito natitikman.   Pangkaraniwan, karneng baka ang ginagawang ganito o kaya naman ay karne ng baboy o kambing.

Ngayon, hindi na pahirapan ang pagluluto ng caldereta.   Marami na kasing available na mga sauces at marinade mixes sa mga paborito nating classic na filipino dishes sa mga supermarket o palengke man.  


Ako basta may bago akong nakita sa supermarket sinusubukan ko ito para malaman ko din kung alin ang masarap.   Hindi naman ako nagre-rely lang sa mga instant mixes na ito.   Nilalagayan ko pa din ng iba pang mga sangkap para mas lalo pa itong mapasarap.

Katulad nitong Chicken Caldereta na ito.   Bukod sa UFC Caldereta Mix, nilagyan ko pa din ito ng sweet pickle relish at Reno Liver spread na pangkaraniwang nilalahok natin sa caldereta.   The result?    Isang masarap na ulam para sa ating mahal sa buhay.


CHICKEN CALDERETA using UFC Caldereta Mix

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
1 pack UFC Caldereta Mix
1 can Reno Liver Spread
2 tbsp. Sweet Pickle Relish
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 pc. Carrot (cut into cubes)
1 pc. Large Red Bell pepper (cut into cubes)
2 cups Green Peas
1 pc. Large Onion (sliced)
1 head Minced Garlic
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Isunod na agad ang manok, sweet pickle relish at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.    Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Sunod na ilagay ang UFC Caldereta Mix at lahat na mga gulay maliban sa green peas.   Lagyan din ng 1 tasang tubig.   Halu-haluin at takpan muli para maluto ang mga gulay.
4.   Sunod na ilagay ang Reno Liver Spread at green peas.   Halu-haluin.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy