CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS


Isa sa mga paboritong ulam ng aking mga anak itong pork sisig.   Madalas nga kapag gipit na ako sa oras at kailangan ko pang magluto ng pangulam nila, bumibili na lang ako nitong sisig sa aking suking karinderia.

Kaya nang makita ko itong maskara o ulo ng baboy nitong minsang nag-grocery ako, naisipan kong magluto nitong sisig para sa aking mga anak.   Sarili kong version ito.   Alam kong maraming version ang sisig at katulad ng adobo maraming pamamaraan itong lutuin at maging ang mga sangkap na inilalagay.

Sa version kong ito, bale 3 beses kong niluto ang baboy.   Okay lang kahit medyo matagal.   masarap naman ang kinalabasan na nagustuhan naman ng aking mga anak.



CRISPY CHUNKY PORK SISIG ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Ulo ng Baboy (yung kasama yung tenga)
1/2 kilo Atay ng Baboy
3 pcs. Siling pang-sigang
1 pc. large White Onion (chopped)
1 pc. large White Onion (quartered)
2 pcs. Dried Laurel
8 pcs. Calamansi
3 tbsp. Patis
1.3 cup Cane Vinegar
1 cup Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang ulo ng baboy sa isang kaserolang may tubig, asin, pamintang buo, dahon ng laurel at sibuyas hangang sa lumambot.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
2.   Lutuin naman ito sa turbo broiler hanggang pumula at mag-pop ang balat nito.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
3.   Maaring isabay na din sa turbo broiler ang atay ng baboy.    timplahan lamang ito ng asin at lutuin ng mga 10 minuto.   Hanguin at palamigin.
4.   Hiwain ng malilit ang nilutong ulo at atay ng baboy.
5.   Sa isang non-stick na kawali, i-tusta o i-prito pa ng bahagya ang hiniwang ulo ng baboy para maging crispy pa.
6.   Ilagay ang hiniwang atay ng baboy, sibuyas at timplahan ng katas ng calamansi, suka at patis.   Huwag munang haluin.   Hayaan ng ilang minuto bago haluin.
7.   Tikman at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang hiniwang siling-pangsigang at halu-haluin.

Ihain sa isang sizzling plate habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy