PORK and STRING BEANS ADOBO with OYSTER SAUCE


Mahirap talaga magpakain ng gulay sa ating mga anak.   Ewan ko ba, kahit nga tinuturo na sa school ang kahalagahan ng pagkain ng gulay ay ayaw pa din itong gawin ng mga bagets.

Ganun pa man, pinipilit ko na lang na samahan ng kahit kaunting gulay ang mga dish na aking ipinauulam sa kanila.   Kagaya nitong paborito nilang pork adobo.   Sa halip na karne lang ang nasa ulam, sinamahan ko na din ng sitaw para kahit papaano ay may gulay.   Tamang-tama din naman dahil ina-adobo naman talaga ang sitaw.

At para mas mapasarap pa ang paborito nating adobo, hinaluan ko pa ito ng oyster sauce.   At ang key para mas sumarapa pa ito?   Lagyan nyo ng kaunting brown sugar.

At eto na nga, panuguradong mapaparami na naman ang kain ninyo.   Try nyo din po.


PORK and STRING BEANS ADOBO with OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1/2 cup Cane Vinegar
1 cup Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
Sitaw or String Beans  (cut into 1 inch long)
1 head Minced Garlic
1 pc. Red Onion (sliced)
1 tsp. Fresh Ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, pagsamahin ang karne ng baboy, suka, toyo, bawang, sibuyas at dinurog na paminta.
2.   Lutuin ito sa katamtamang lakas ng apoy hanggang sa lumambot ang karne.   Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan pa.
3.   Ilagay na ang sitaw, oyster sauce at brown sugar.   Hayaang maluto ang sitaw.
4.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.   Pero the best itong kainin kinabukasan na.

Enjoy!!!!


3.  

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy