LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY


Ilang araw na ding nagke-crave ako sa lugaw tokwa't baboy.   May nagtitinda naman sa labas ng opisina na aking pinapasukan kaso di ako makalabas dahil sa walang tigil nabuhos ng ulan.

At komo naguulan nga masarap talaga na kumain ng maiinit na sabaw.   Kaya nitong isang araw nagluto ako nito para sa aming almusal.

Pangkaraniwan, yung nilagang baboy ang ginagamit natin sa tokwa't baboy na ito.   Pero in this version, nilaga at pagkatapos ay isinalang ko naman sa turbo broiler para maging crispy ang kalabasan.    So, lechon kawali ang kinalabasan ng baboy na inihalo ko sa piniritong tokwa.

Ang resulta?  Ubos lahat ng lugaw tokwa at baboy na aking niluto.   Yummy!!!!




LUGAW with CRISPY TOKWA'T BABOY

Mga Sangkap:
1/2 kilo Whole Pork Belly
8 pcs. Tokwa o Tofu
2 cups Malagkit na Bigas
2 heads Minced Garlic
2 pcs. White Onion (sliced)
 1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
1 pc. Red Onion (chopped)
2 pcs. Siling Pangsigang (sliced)
Suka at toyo

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola pakuluan ang pork belly sa tubig na may asin at hiniwang sibuyas.  Pakuluan hanggang  sa medyo lumambot ang karne.
2.   Hanguin ang karne sa pinaglagaan at palamigin sandali.  
3.   Kung medyo malamig na ang karne na inilaga, tusk-tuskin ng tinidor ang balat na parte at timplahan ng asin at paminta ang paligid nito.
4.   Isalang sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting hanggang sa pumula ang balat.
5.   Para sa lugaw, lagyan ng 2 cup na hinugasang malagkit na bigas ang kaserolang pinaglagaan ng karne.   Halu-haluin para hindi manikit sa bottom ng kaserola.   Lutuin hanggang sa malamog na ang bigas.
6.   Timplahan ng asin at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
7.   Sa isang kawali i-prito muna ang dinikdik na bawang hanggang sa pumula ito.   Hanguin sa isang lalagyan.
8.   Sa parehong kawali i-prito naman ang tokwa hanggang sa maluto.
9.   Hiwain ang nilutong tokwa at lechon kawali ng pa-cubes o sa nais na laki.   Ilagay sa isang bowl kasama ang hinwang sili at sibuyas na pula.

Ihain lugaw na may toasted garlic sa ibabaw kasama ang tokwa't baboy na may suka at toyo.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy