NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS


Ito ang cake na inihanda ko para sa 14th birthday ng pangalawa kog anak na si James.   Uunahan ko na kayo hindi ako ang nag-bake nung pinaka-tinapay ng cake kundi binili ko lang.   Wala naman kasi kaming oven.   hehehehe.   Bale ang ginawa ko lang ay yung yema na inilagay ko sa cake.

Yung mamon o tinapay na ginamit ko ay binili ko lang sa Salazar bakeshop sa may Farmers Plaza sa Cubao.   Actually steam cake siya kaya masarap at malambot talaga.

Also, pangkaraniwang yema cake na  nakikita natin ay grated cheese ang inilalagay na toppings.   Pero ito sa akin, naisipan kong nuts naman ang ilagay.   Cashew o kasoy ang aking inilagay.   Tamang-tama dahil nagbe-blend yug lasa nito sa tamis ng yema at ng cake.

Nakakatuwa dahil nagustuhan talaga ito ng aking asawang si Jolly.   Yummy talaga!!!


NUTTY YEMA CAKE ala DENNIS

Mga Sangkap:
12x12 Ready to eat Chiffon Cake
2 can Condensed Milk
4 pcs. Egg Yolk
1 tsp. Dayap Zest or 1 tsp. Katas ng dahon ng Dayap
1 cup Toasted Cashew Nuts (cut into small pieces)

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-sick na kawali, ilagay ang condensed milk, egg yolk at katas ng dahon ng dayap.
2.   Pakuluan ito sa katamtamang lakas ng apoy.   Haluin para hindi magtutong ang bottom ng kawali.   Lutuin ito hanggang sa lumapot at makagawa na ng yema .   Palamigin.
3.   Ipahid ang ginawang yema sa ibabaw at mga sides ng chiffon cake.
4.   Budburan ng toasted na kasuy sa ibabaw at sides ng cake.

Ihain ng medyo malamig ng kaunti.

Enjoy!!!!

Note:
Kung gusto ninyong mag-bake na sarili ninyong chiffon cake, pwede nyong gamitin ang recipe na ito from the net:   http://www.filipinorecipesite.com/filipino-dessert-recipes/chiffon-cake.html

Thanks

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy