FRIED RICE with PORK CHICHARON


Masarap talagang almusal sa umaga ang fried rice o sinangag na kanin.   Masarap talaga lalo na kung maraming bawang at mantikang baboy ang gagamitin mo.  hehehehe.   Kaya lang, minsan nagiging boring na nakagawian nating sinangag.   Mas masarap kung may konting sahog na gulay like carrots, corn, peas o kaya naman ay chopped na ham or bacon.

Ako madalas bawang at binating itlog lang ang inilalagay ko.   Pero nang makita ko itong chicharong baboy na nabili ko, naisipan kong bakit hindi ko lagyan nito.   Siguro iisipin nyo, e di kumunat yung chicharon kapag inihalo sa mainit na sinangag?   Okay lang.   Yung flavor naman ang magdadala at magpapasarap sa inyong sinangag.   For extra crunch pwede nyong i-top ng chopped chicharon ang inyong sinangag bago ihain.   Try nyo din po.


FRIED RICE with PORK CHICHARON

Mga Sangkap:
6 cups Rice
1 head minced Garlic
3 tbsp. Mantikang Baboy or ordinary cooking oil
2 cups Chicharong Baboy (chopped)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali, i-brown ang bawang sa mantikang baboy o ordinaryong mantika.
2.   Ilagay na agad ang kanin at timplahan ng asin, paminta at maggie magic Sarap.   Halu-haluin.
3.   Sunod na ilagay ang 1 cup na chopped chicharon.   Patuloy na haluin.
4.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa na may budbod na chopped chicharon pa rin sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Note:   Mas mainam kung yung long-grain rice ang gagamitin sa sinangag.   Also, i-fridge muna ng overnight ang kanin bago isangag.   TY



Comments

Anonymous said…
it's quite refreshing ( to me anyway } to read an all tagalog recipe from a blogger like you...i like your simplistic approach on of most your recipes..i'm a fan
Dennis said…
Thanks my friend. Mas ginustong kong in tagalog o pilipino itong food blog kong ito kasi ang target market ko talaga para dito ay mga pinoy na gustong matutuong magluto. Kaya naman hanggat maaari ay yung pinaka-simpleng approach ang ginagawa ko.

Salamat sa patuloy mong pag-bisita d2. I hope you will this also with your relatives and friends. BTW, pakilala ka naman para ma-address kita by your name.

Thanks


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy