ADOBO FRIED RICE with GIGI FLAKES
Lagi kong sinasabi na NO NO sa aming bahay ang pag-aaksaya ng pagkain. Kaya naman hanggat maari ay nire-recycle natin ito para mapakinabangan pa. Siguro kailangan lang nating mag-isip ng kaunti para mas mapasarap pa natin ito.
Kagaya nitong simpleng fried rice na ito. Nung nagluto ako ng chicken adobo nung isang araw, napadami ata ang sabay na nailagay ko. Kaya ang ginawa ko, inilagay ko sa isang lalagayna ang ibang sabaw at inilagay ko muna sa fridge. Sayang kasi kako, lalo pa at nasa sauce na na yun yung lasa at sarap ng adobo. Ganun din sa kanin na natira at sa 2 pirasong gigi na ulam pa namin nung isang araw. Doon nabuo sa isip ko na sa halip na i-init ko na lang yung kanin bakit hindi ko na lang ito gawing fried rice.
Para magkaroon ng ibang texture, inihiwalay ko yung toasted garlic at ginawa kong crispy yung adobo flakes at saka ko ginawang toppings sa fried rice. Wow! Panalo ang lasa at ang sarap kainin talaga.
ADOBO FRIED RICE with GIGI FLAKES
Mga Sangkap:
6 cups Cooked Rice (mas mainam kung nailagay sa fridge n overnight)
2 pcs. Fried Galunggong (himayin ang laman)
1 cup Chicken Adobo Sauce
1 head Minced Garlic
2 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito din ang gigi o galunggong sa parehong kawali hanggang sa maging crispy. Hanguin din sa isang lalagyan.
3. Ilagay na sa kawali ang adobo sauce at hintaying kumulo.
4. Ilagay na ang kaning lamig at timplahan ng asin at paminta. Haluing mabuti hanggang sa mag-parehas na ang kulay.
Ihain na may budbod na toasted garlic at gigi flakes sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments