KIMCHI FRIED RICE - My Own Version

Parte ng premyo sa pagkapanalo ko sa Alaska Kitchen Challenge ay ang isang half day cooking class with Chef Kai Padilla.  

Bale isang complete course ang itinuro sa amin from appetizer to dessert.   Isa na nga sa mga dish na itinuro ay itong Kimchi Fried Rice.

Nitong nakaraan kong kaarawan, naisipan kong lutuin ito para sa aking mga ka-officemate.   Pero syempre kadalasan nilalagyan ko ng twist ang original na recipe na natututunan ko.   Sa dish na ito, sa halip na beef, pork ang ang ginamit ko.  At sa halip na hipon (medyo mahal kasi) squid balls naman ang aking ipinalit.   Also, nilagyan ko na ng flavor ang rice habang isinasaing ko ito. 

Ang resulta?   Masarap at nagustuhan talaga ng mga naka-kain.   Kaya nga ni-request ng asawa kog si Jolly na magluto ulit ako nito sa birthday naman ng aking panganay sa Sep. 22.


KIMCHI FRIED RICE - My Own Version

Mga Sangkap:
10 cups Long Grain Rice (Jasmin)
2 pcs. Pork Cubes
500 grams Pork Loin (cut into strips)
250 grams Kimchi (cut into small pieces)
250 grams Squid Balls (quartered)
1 cup Green Peas
3 pcs. Eggs (beaten)
1/2 cup Spring Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1 head minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
1/3 cup Soy Sauce
Salt or Patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Isaing ang bigas kasama ang 2 pcs. na Pork Cubes.   Kung mayroon kayong pork stock o yung pinagpakuluan ng baboy mas okay.   Gawin ito the night before lutuin ang fried rice.   Mainam na malagay muna sa fridge ang nalutong pinalamig na kanin.   Kung lulutuin na, himay-himayin ito at tiyaking walang buo-buong kanin.

2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang squid balls hanggang sa maluto.   Hanguin sa isang
lalagyan.
3.   I-prito na din ang binating itlog at hanguin din sa isang lalagyan.

Note:    Kung may malaki kayong kawali mas mainam.   Kung wala naman, lutuin nyo lang ito by batch.  hato-hatiin nyo lang ang mga sangkap na gagamitin depende sa bilang ng batch.
 
4.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ang pork loin sa mantika hanggang sa maluto.
5.   Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.
6.   Ilagay na din ang kimchi, green peas at timplahan ng toyo.  Halu-haluin.
7.   Sunod na ilagay ang kanin at timplahan ng asin o patis.   Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng kulay ng kimchi ang lahat ng kanin.
8.   Ilagay na ang nilutong squid balls at haluing muli.
9.   Tikman at i-adjust ang lasa.
10.   Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng chopped fried eggs at chopped spring onions.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note:
Kung gusto nyo na medyo spicy pa, lagyan nyo pa ng nais na dami ng chili garlic sauce.


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy