PAELLA VALENCIANA






Ito ang isa sa mga pinaplano kong lutuin at ihanda sa nalalapit na Noche Buena.   Paella Valenciana.   Huwag kayong mag-alala dahil hindi naman ganun kakumplikado ang pagluluto nito.   Hindi na rin kailangan paellera o yung lutuan ng paella para makapagluto lang nito.   Kung baga, ordinaryong gamit lang sa kusina at simpleng mga sangkap ay okay na.

Masarap ang dish na ito.   Kumpleto kasi ang mga sangkap.   May rice at ulam na din in one.   Nilagyan ko na din lang ng ilang twist para mas lalo pa itong mapasarap.   Try nyo din po.



PAELLA VALENCIANA

Mga Sangkap:
2 cups Bigas na Malagkit
2 cups Ordinaryong Bigas (Jasmin na bigas ang ginamit ko dito)
1/2 kilo chicken breast cut into small pieces
1/2 kilo Atay at Balunbalunan ng manok
1/4 kilo Porkloin or kasim cut into cubes
3 pcs. chorizo de bilbao (hiwain ng pahaba)
3 pcs. medium size potatoes cut into cubes (cut into small pieces)
2 pcs. red and green bell pepper
1 large carrots cut into cubes
2 cups gata ng niyog
1 cup tomato sauce
1 knorr chicken cubes
salt and pepper
4 pcs. hard boiled eggs
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Achuete seeds
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste


Paraan ng Pagluluto:
1. Isaing ang malagkit at ordinaryong bigas. Katas ng achuete ang gamiting pang-tubig dito. Lagyan ng 1 knorr chicken cube. Hayaang mainin at lumamig.
2. Sa isang malaking kawali, igisa nga bawang at sibuyas sa mantika.
3. Unang ilagay ang balun-balunan ng manok at karne ng baboy. Lagyan ng kaunting tubig at takpan hanggang sa lumabot.
4. Ilagay ang manok, patatas at carrots. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng isang tasang gata ng niyog. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok at patatas.
5. Ilagay ang chorizo de bilbao, tomato sauce, red/green bell pepper at natitira pang gata ng niyog. Hayaan maluto ng mga 5 minuto
6. Ilagay ang pinalamig na kaning bigas at malagkit at halu-haluin hanggang sa maihalo na ang lahat ng sangkap sa kanin.
7. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy