ARROZ VALENCIANA ala DENNIS

Nitong nakaraang kaarawan ng pangany kong anak na si Jake, naisipan kong magluto nitong arroz valenciana. 

Ang arroz valenciana ay para din lang paella na nag-origin sa Valencia sa Espanya.  Kinokonsidera na pagkain ito ng mahihirap noong araw komo sama-sama na ang kanin at ang ulam sa isang lutuan.  Butofcourse sa panahon natin ngayon na medyo sosyal kapag sinabing paella.  Para bang mayayaman lang ang nakaka-kain nito.

Dito sa atin sa Pilipinas mayroon din tayong bersyon na tinatawag nating bringhe.   Kaning malagkit ito na kinulayan ng luyang dilaw na may sahog ding manok o karne at mga gulay kagaya ng patatas, carrots at iba pa.

Sa version kong ito, pinaghalo ko ang paella at ang valenciana.   Bukod kasi sa karne nga baboy at atay, nilagyan ko pa ito ng tahong at hipon.   At for added twist, nilagyan ko din ito ng gata ng niyog para mas maging malasa.   Yan ang natutuan ko naman sa aking Inang Lina.

Masarap ang rice dish na ito.   Try nyo din po.


ARROZ VALENCIANA ala DENNIS

Mga Sangkap:
2 cups Malagkit na Bigas
3 cups Long Grain na Bigas
2 tbsp. Achuete Seed
2 pcs. Knorr Pork Cubes
250 grams Pork Lomo (cut into cubes)
250 grams Atay ng Manok o Baboy
250 grams Medium size Shrimp
250 grams Medium size Tahong (i-steam na at alisin ang shell na walang laman)
1 pc. Carrots (cut into cubes)
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 pc. Red Bell pepper (cut into cubes)
3 pcs. Hard Boiled Eggs
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1 cup tomato Sauce
2 cups Kakang Gata
3 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Isaing ang malagkitat long grain na bigas katulad ng ordinaryong pagsasaing.   Ang ipantubig lang ay ang katas ng achuete seeds na ibinabad sa maligamgam na tubig.    Isama din ang 2 pcs. na Knorr Pork cubes.
2.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola (yung medyo malaki) igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3.   Sunod na ilagay ang pork lomo at ang patatas, at carrots.   Halu-haluin
4.   Ilagay ang tomato sauce at ang kakang gata saka timplahan ng asin at paminta.  Halu-haluin.   Takpan at hayaang maluto ang patatas.

5.   Sunod na ilagay ang red bell pepper, hipon at tahong.   Muling takpan para maluto ang hipon.
6.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Humango ng kaunting laman para pang-toppings.
8.   Ihalo ang nilutong bigas at malagkit at haluing mabuti.   Hinaan ang apoy at hayaang mainin.
9.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang kinuhang pang-toppings at hiniwang hard-boiled eggs.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!1

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy