CURRY and BASIL FRIED RICE



Ang pagaaksaya ng pakain sa aming tahanan ay isang malaking NO.   I know na marami sa atin ay ganun din.   Kaya nga pag nakakakita ako ng mga pagkain hindi nauubos sa mga handaan man o fastfood nalulungkot ako.  Ang dami kasi sa mga kababayan natin ang hindi nakakakain ng wasto pero ang dami pa din sa atin ang nagaaksaya.  Kaya naman sa amin hanggat maaari ay magamit pa o ma-recycle pa ang mga tira-tirang pagkain na ito.

Kagaya nitong espesyal na fried rice na ito.   Bukod sa itlog, puro tira-tira lang ang mga sahog nito.  Pero wag ka...masarap at kakaiba sa pangkaraniwang fried na nakakain natin.   Subukan nyo din po.


CURRY and BASIL FRIED RICE

Mga Sangkap:
6 cups Kanin (mas mainam kung nalagay muna sa fridge ng mga ilang oras)
1 tsp. Curry Powder
1 cup Lechon Kawali or boiled pork (cut into small cubes)
1/2 cup Fresh Basil leaves (chopped)
1 pc. Egg (beaten)
1 head minced Garlic
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
3 tbsp. Cooking Oil
Salt to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-prito ang bawang sa mantika hanggang sa medyo mag-golden brown.
2.   Isunod na agad ang binating itlog at halu-haluin para hindimag-buo-buo.
3.   Isunod na din ang hiniwang lechon kawali o boiled pork.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na din ang curry powder at isunod na din ang lamig na kanin.
5.   Timplahan ng asin at maggie magic sarap.    Haluin ng haluin.
6.   Huling ilagay ang fresh basil leaves at patuloy na haluin.
7.   Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy