GINATAANG PINIPIG
Ito ang isa pang dish na matagal ko nang hindi natitikman. Ginataang Pinipig. Ito rin ang isa pang dish na hiniling ko sa aking kapatid na si Shirley nung umuwi kami ng Bulacan nitong nakaraang halalan.
Ang kapatid kong si Shirley ang nagluto o gumawa nito. Ang dish na ito ay madalas ding ginagawa kung dumarating ang Undas o Araw ng mga Patay. Madali lang naman itong gawin. Bale yung paglalaga lang ng gabi ang niluluto dito. Yung ibang sangkap ay paghahalu-haluin lamang.
Masarap ang dish na ito na panghimagas o kaya naman ay pang-meryenda. Masarap ito na medyo malamig. Try nyo din po
Paalala lang po. Wala pong eksaktong sukat ang mga sangkap na inilagay ko dito. Kayo na po ang bahala kung gaano karami ang gusto ninyo..
GINATAANG PINIPIG
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pinipig
1/2 kilo Gabi
Gata ng Niyog mula sa 3 Niyog (gamitin yung sabaw sa pagpiga ng gata)
3 cups na Sago
2 pcs. Buko (kayudin yung laman...itabi yung sabaw)
White Sugar to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Ilaga ang gabi hanggang sa maluto. Palamigin at saka balatan. Hiwain ng pa-cubes sa nais na laki. (Bite size)
2. Ibusa o i-toast ng pabagya ang pinipig sa kawali. Palamigin.
3. Sa isang bowl, paghaluin lamang ang lahat ng sangkap kasama ang sabaw ng buko.
4. Tikman ang sabaw at i-adjust ang tamis nito.
5. Ilagay muna sa fridge para lumamig bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments