Crispy Liempo with Rosemary



Isa na namang simpleng lutuin pero punong-puno ng lasa at linamnam......hehehehe. Okay ba sa intro? Actually, ganun ko gustong i-describe ang lutuing ito. Simpleng prito pero masarap. Sabi nga, hindi kailangang gumastos ng mahal para makakain ka ng masarap. At ito yun....hehehehe.

Nung isang araw, nag-ka-chat kami ng kumare kong si Kate Avila. Mukhang disidido talaga siyang matutong magluto ng masasarap na putahe...hehehehe. At nabanggit din niya na mag-post daw ako ng mga ulam na pwedeng pambaon ng mga bata. At eto ang isa sa mga pwedeng pambaon ng mga bata at ng mga matatanda na din....hehehehe.



CRISPY LIEMPO with ROSEMARY


Mga Sangkap:

1 kilo Pork Liempo (Piliin nyo yung hindi makapal ang taba) hiwain ng mga 2 to 3 inches na haba

2 tbsp. dried rosemary

5 pcs. calamansi

salt and pepper

1 8g sachet maggie magic sarap

2 cups all purpose flour

1/2 cup cornstarch

cooking oil for frying



Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang liempo sa asin, paminta, dried rosemary, maggie magic sarap at calamansi juice. Hayaan ng mga 1 oras. Mas mainam kung overnight.

2. Sa isang plastic bag (yung walang butas ha) Ilagay ang liempo, harina, cornstarch at timplahan pa ng asin, paminta at maggie magic sarap.

3. Lagyan ng hangin ang plastic bag at isara.

4. Alug-alugin hanggang ma-coat ng harina ang lahat na bahagi ng liempo

5. I-prito isa-isa sa mainit na mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

6. Hanguin sa paper towel para maalis ang extrang mantika.


I-serve na may kasamang tomato catsup o kaya naman Mang Tomas sarsa ng lechon.


Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy