SESAME OIL CHICKEN
Ang rasamalaysia.com ang isa sa mga paborito kong foodblog sa Internet. Hindi ko alam kung papano ako napadpad dun and since then lagi na akong bumibisita to look for new recipe.
At ito ngang entry natin for today ang isa sa mga natutunan kong dish sa kanya. Simple at masarap naman talaga. Nilagyan ko na lang ng kaunting twist para naman ma-improve ko pa ang dish. At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng version ko ng sesame oil chicken na ito.
SESAME OIL CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken breast fillet (cut into cubes)
2 pcs. Sweet Potatoes (cut into cubes)
2-3 inches Ginger (peeled and cut into strips)
5 tbsp. Sesame oil
½ cup Soy sauce
1 tbsp. Shaoxing rice wine
½ cup Oyster Sauce
3 tbsp. Brown or Muscovado sugar
1 tbsp. cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken fillet sa asin, paminta, 1 tbsp. sesame oil at ¼ cup na Toyo. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya sa 3 tbsp. olive oil. Hayaan ng mga 1 minuto.
3. Ilagay na ang minarinade na manok at kamote cubes, halu-haluin at hayaang pumula ng kauntin ang balat nito.
4. Timplahan ng natitira pang toyo, oyster sauce, brown sugar at shaoxing rice wine. Lagyan ng 1 tasang tubig at takpan hanggang sa kumonte na lang ang sauce at maluto ang manok at kamote.
5. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin, paminta at brown sugar.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang kaunting sauce.
7. Ilagay ang natitira pang sesame oil bago hanguin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments