CHICKEN ADOBO with POTATOES
Sinong Filipino ang hindi mapapalakas ang kain kapag adobo ang ulam? Palagay ko ay wala. Sa ating mga filipino basta adobo, mapa-manok man o baboy, baka man o gulay, at kahit ano pa basta adobo ang luto the best talaga. Kaya nga di ba tinatawag din tayong Adobo Republic? Hehehehe.
Itong entry ko for today hindi ako ang nag-luto, ang helper kong si Ate Minda. Marunong din siyang magluto pero yung mga basic lang na lutuin ang alam niya. Kaya nga kapag nagluluto ako ng kakaiba, nagpapaturo siya kung papano ito lutuin. Etong adobong ito, tinuro ko sa kanya kung papano pa ito mapapasarap. Pinalagyan ko din ng patatas para extender at pamparami sa ulam.
Madali lang itong lutuin pero ituro ko sa inyo kung papano ko ito ginawa at mas pinasarap pa.
CHICKEN ADOBO with POTATOES
Mga Sangkap:
1 whole Chicken cut into serving pieces
1 head minced garlic
1 cup soy sauce
1 cup vinegar
2 large potatoes cut into cubes
1 tsp. ground pepper
1 tsp. cornstarch
1 8g sachet maggie magic sarap (optional)
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa toyo, suka, bawang at paminta. Overnight o mas matagal mas mainam.
2. Sa isang kaserola, ilagay ang manok kasama ang marinade mix. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok.
3. Sa isang non-stick pan, i-prito dito ang nilutong manok hanggang sa pumula ang balat at laman.
4. Ibuhos ang pinaglagaan sa manok na pinirito at ilagay ang patatas. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang patatas.
5. Timplahan ng magfie magic sarap. Lagyan din ng asin at paminta kung kinakailangan pa.
6. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments
Dennis