SESAME CHICKEN in HOISIN SAUCE
Remember yung Cashew chicken dish na niluto ko? 1 kilo yung chicken breast na nabili ko nun. Masyadong marami for an experimental dish. So ang ginawa ko, binawasan ko ng apat na piraso bale 2 whole breast, nilagyan ko lang ng asin, paminta at calamansi juice and presto, ito ang baon ng mga kids nitong isang araw. Tinanong ko naman kung ano ang lasa...masarap naman daw. Sabagay, ano ang hindi sasarap sa isang lutuing may hoisin sauce at sesame oil? Mula nung matutunan ko na gumamit ng mga ito, na-inlove na ako dito. Kaya naman, hindi ako natatakot na mag-experiment gamit ang mga sangkap na ito. Try nyo ito. Okay na okay na pambaon.
SESAME CHICKEN in HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
2 whole breast fillet cut into 2
1 tbsp. Hoisin sauce
1 tbsp. Soy Sauce
Juice from 3 pcs. calamansi
1 tbsp. Onion leaves
1 tsp. sugar
1 tsp. sesame seeds
1 tbsp. sesame oil
2 tbsp. cooking oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang chicken fillet. Hayaan ng mga 1 oras.
2. Sa isang non-stick pan, i-prito ang manok sa kaunting mantika hanggang sa pumula ng kaunti ang balat.
3. Ilagay ang toyo, hoisin sauce at asukal. Maaring lagyan ng kaunting tubig kung kinakailangan.
4. I-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin, paminta at asukal.
5. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng sesame oil, sesame seeds at chopped onion leaves sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy the cooking!!!!
Comments