PORK ADOBO sa GATA
Ang recipe natin na ito for today ay masasabi kong 101% Pinoy. Kahit saang panig siguro ng mundo basta sinabing Adobo, pinoy yun. Sikat na sikat ang lutuin ito. Kaya nga ang dami na ring version ang kinalabasan nito kahit saang lugar.
May entry na ako ng Pork adobo sa blog kong ito. Yun lang, ang naka-highlights dun ay yung marble egg na sinama ko sa adobo. This time naman, sinamahan ko ng isa pang sangkap na pinoy na pinoy pa din. Ang gata ng niyog. Hindi ko alam kung saan nag-originate ang ganitong recipe. Pero isa lang ang masasabi ko, masarap talaga....hehehehe.
PORK ADOBO sa GATA
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Pigue or Kasim cut into cubes
1/2 kilo Pork liver cut into cubers
Kakang gata mula sa isang niyog
2 pcs. potato quartered
1 head minced garlic
1 cup soy sauce
1 cup vinegar
1 tsp. ground pepper
2 pcs. dried laurel leaves
1 8g sachet maggie magic sarap
Paraan ng Pagluluto:
1. Ilagay sa isang kaserola ang baboy, suka, toyo, pamita at laurel. Pakuluin hanggang sa lumambot ang karne.
2. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang patatas at gata ng niyog. Hayaan ng mga 5 minutes.
3. Ilagay ang atay ng baboy. Halu-haluin
4. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
5. Hanguin sa isang lalagyan ng lagyan ng ginayat na leeks or onion leaves at toasted garlic sa ibabaw
Ihain habang mainit pa.
Enjoy the cooking!!!
Comments